Salad for Sale!
may nakita akong salad vendor. Alam nyo yun? Yung nakabisikleta
tapos may tindang buko salad, fruit salad at mac salad?
Dati pa ako na-aamaze sa mga ganun...para kasing nakakatakam.
Pinagmamasdan ko lang yung mamang nagbebenta at yung green niyang
kariton.
Nagulantang na lang ako nung makita ko yung pangalan nang mini-business
niya. Nakasulat ng malaki:
JEB' S SALAD
Nasabi ko tuloy sa sarili ko: "mmmmmmm...nakakagana!"